BAGUIO CITY— Bandang alas-6:20 ng umaga noong June 3, iniulat sa Duty Municipal Tactical Operations Center (MTOC) ng Bangued Municipal Police Station (MPS) ang isang bangkay na natagpuan sa Sitio Linasin, barangay Zone 1, Bangued, Abra.
Batay sa ulat ng awtoridad, nang unang makita ang biktima, ito ay nakahandusay sa tabi ng isang daanan, nakabalot sa isang motorcycle cover at transparent na plastik, at nakatali ang magkabilang paa nito gamit ang packaging tape.
Natagpuan din ng mga imbestigador sa tabi ng biktima ang asul na HONDA XRM 125 na motorsiko na may plakang 4002 AM.
Ayon naman sa insiyal na resulta ng imbestigasyon, ang biktima ay nagtamo ng saksak sa itaas na bahagi ng likod, batok, kaliwang balikat, at kaliwang bahagi ng sentido.
Sa pamamagitan ng Professional Regulation Commission (PRC) Identification Card na narekober mula sa bulsa ng biktima, kinilala siya bilang si Tam-Jay Camunay Colet, isang registered nursed na tubong Barangay Tumalip, Licuaan-Bauay, Abra at kasalukuyang nakatira sa Zone 7, Bangued, Abra.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman ang motibo sa likod ng insidente at mahuli ang nasa likod ng krimen.
📸 PNP-Bangued MPS
No Comments Yet...