LUNGSOD NG BAGUIO, HINIKAYAT ANG MGA BARANGAY AT RESIDENTE NA LINISIN ANG MGA KANAL SA PAGSISIMULA NG TAG-ULAN
BAGUIO CITY | Hinikayat ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang mga residente at opisyal ng barangay na patibayin ang paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig para maiwasan ang pagbaha at iba pang panganib ngayong nagsimula na ang tag-ulan.
Ayon kay CDRRMO Department Head Engr. Charles Bryan Carame, nakatanggap ang lungsod na ipaalam mula sa DILG-CAR na palakasin ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan dahil sa pagsisimula ng Habagat at sa patuloy na epekto ng El Niño, na maaaring maranasan hanggang Enero 2027.
Ipinaliwanag ni Carame na maaaring makaranas ang rehiyon ng malalakas na pag-ulan na susundan ng mga panahong kaunti o walang ulan. Aniya, isa rin sa mga pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang maling pagtapon ng basura na nagiging dahilan ng pagbara ng mga kanal at daluyan ng tubig.
Binigyang-babala rin ng CDRRMO ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na may panganib ng pagguho ng lupa na maging alerto sa mga senyales tulad ng pag pagbitak ng lupa, pag daloy ng tubig sa lupa, at biglaang pagbabago ng lebel ng tubig sa mga sapa.
Hinikayat naman ang publiko na agad ipagbigay-alam sa kanilang barangay ang anumang palatandaan ng landslide o iba pang panganib upang agad na makapagbigay ng agarang aksyon ang mga awtoridad. Via Jody Lardizabal and Marielle Martin, TAU DEVCOM Interns.
No Comments Yet...