error code:
103.9 iFM Baguio
Sign-In
Verify Email Address Account Sign-Out
Menu
Homepage News
Program
Schedule Shows Specials
Program
Schedule Shows Specials
Staff

Embed The Radio Player In Your Website
Copy the code below and paste it into your website.

Download our desktop apps

Back to news

MGA NEGOSYO IPINASARA DAHIL KULANG ANG PERMIT AT LABAG SA KALINISAN

2026-07-11 08:35:00
7
0

MGA NEGOSYO IPINASARA DAHIL KULANG ANG PERMIT AT LABAG SA KALINISAN

BAGUIO CITY – Mas pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio ang kampanya laban sa mga negosyong hindi sumusunod sa mga umiiral na regulasyon sa permit, kalinisan, at tamang paggamit ng pampublikong espasyo. Isinasagawa ang mga inspeksyon sa pangunguna ng Permits and Licensing Division, katuwang ang City Health Services Office, City Buildings and Architecture Office, City Environment and Parks Management Office, City Engineering Office, Bureau of Fire Protection, at iba pang law enforcement agencies. Layunin ng hakbang na matiyak ang kaligtasan ng publiko, mapanatili ang kaayusan sa lungsod, at matiyak na lahat ng negosyo ay patas na sumusunod sa mga itinakdang batas at ordinansa.

Noong June 30, nagsagawa ng magkasanib na inspeksyon ang mga awtoridad sa Barangay Dontogan at Bakakeng Central. Bunga nito, 32 pwesto sa Dontogan at walong pwesto sa Bakakeng Central ang ipinasara noong July 1 matapos napatunayang walang kaukulang business permit, may hindi maayos na sanitation practices, at may mga istrukturang nakaharang sa mga pampublikong kalsada at easement. Noong July 2, ipinagpatuloy ang inspeksyon sa iba pang mga tindahan at pamilihan, kung saan may ilang negosyo ang napag-alamang nagpoproseso pa lamang ng permit, habang ang iba naman ay nagbebenta ng mga produkto at serbisyo na hindi saklaw ng kanilang business permit. Pinayuhan ang mga may-ari na agad itama ang kanilang mga paglabag upang makaiwas sa karagdagang parusa.

Ayon sa pamahalaang lungsod, bahagi ang operasyon ng mas malawak na kampanya upang mapataas ang antas ng pagsunod ng mga negosyo sa mga lokal na regulasyon. Bukod sa permit at kalinisan, sinusuri rin ng mga awtoridad ang fire safety compliance, waste management, zoning regulations, at tamang paggamit ng mga pampublikong lugar. Nilinaw ng lungsod na hindi layunin ng operasyon na isara ang mga negosyo, kundi hikayatin ang mga ito na maging legal, ligtas, at responsable sa kanilang operasyon. Patuloy ring magsasagawa ng mga regular at surprise inspections sa iba't ibang barangay upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga batas at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa Baguio City. via Christine Agbuya; TAU-DevCom Intern

Share This Article

Comments

Add Comment
Login to comment Verify your email to comment

No Comments Yet...

There was an error while fetching comments, Please try again later

888888888

mmmmmmmmm

ooooooooo

nnnnnnnnn

ttttttttt

uuuuuuuuu

eeeeeeeee

sssssssss

wwwwwwwww

hhhhhhhhh

rrrrrrrrr

fffffffff

iiiiiiiii

ddddddddd

aaaaaaaaa

yyyyyyyyy

888

mmm

ooo

nnn

ttt

uuu

eee

sss

www

hhh

rrr

fff

iii

888

mmm

ooo

nnn

ttt

uuu

eee

sss

www

hhh

rrr

fff

iii

ddd

aaa

yyy

month

88

88

day

88888

88888

UTC

88

88

hour

:

88

88

minute

:

88

88

second

am

pm

Program Lineup

Previous Article

BANGKAY NG ISANG NURSE NA MAY MGA SAKSAK SA KATAWAN, NATAGPUAN SA SITIO LINASIN, BANGUED, ABRA
BAGUIO CITY— Bandang alas-6:20 ng umaga noong June 3, iniulat sa Duty Municipal Tactical Operations Center (MTOC) ng Ban
2026-06-04 10:00:00
30

Next Article

No Previous Article

All Rights Reserved, iFM Baguo 103.9
Privacy Policy Terms Of Service
Powered By Caster.fm Streaming Solutions.