3-TERM SCHOOL CALENDAR IPATUTUPAD NG DEPED NGAYONG PASUKAN; LAYUNING MAPAGAAN ANG SISTEMA PARA SA MGA MAG-AARAL AT GURO
BAGUIO CITY - Magsisimula na ang implementasyon ng 3-term school calendar ngayong pasukan at mula sa apat na grading periods mahahati na lamang ito sa tatlong grading periods partikular na ang opening block, instructional block, at end of year block sa ilalim ng bagong kalendaryo.
Ipinatupad ang 3-term school calendar dahil napansin ng kagawaran na nagdudulot ng agarang implementasyon at madalas ang pagkagambala ng mga klase na nararanasan sa dating sistema na ipinatutupad noong mga nakaraang pasukan.
Naniniwala ang Department of Education (DEPED) na mas mapagtutuunan ng pansin ng mga bata ang kanilang pag-aaral at mabibigyan nito ng mas malayang oras ang mga guro sa paghahanda sa pagtuturo.
Ayon kay DepEd-Baguio School Governance Supervisor, Jerry Ymson, hindi mababawasan ang araw ng pasok ng mga mag-aaral na mananatali pa rin sa orihinal na 201 calendar days, hindi rin mababago ang curicuulum gayundin ang mga competencies na ituturo ng mga guro sa paaralan.
Aniya, ang tanging magbabago lamang ay ang mga araw ng aktibidad kaya ito mahahati sa tatlong grading period.
Nilinaw naman ni Ymson, na hindi pareho ang 3 term calendar system kung saan inaayos lamang ang mga aktibidad kumpara sa trimester program na pinaiiksi ang bilang ng araw ng pasukan.
Samantala, nakapagtala naman ang lungsod ng mahigit 54, 000 na enrollees ngayong unang linggo ng pasukan at inaaasahang madadagdagan pa. Via John Darcy Asistin, TSU-BACOM intern.
No Comments Yet...