7-MEMBER TEAM NG BAGUIO NA PINADALA SA PAMPANGA, MATAGUMPAY SA ISINAGAWANG OPERASYON
BAGUIO CITY — Bilang commitment ng lungsod ng Baguio sa pagiging Sister City nito sa Angeles City, Pampanga, patuloy pa rin ang suporta ng lungsod sa pagtulong sa search and rescue operations patungkol sa isang insidente ng pagguho ng isang 9-storey building sa barangay Balibago noong May 24 ngayong taon.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, bilang suporta, nagpadala ang opisina noong May 27 ng 7-member team mula sa CDRRMO o City Disaster Risk Reduction and Management Office upang tumulong sa paghahanap ng mga nawawalang indibidwal sa nasabing pagguho.
Kabilang sa mga ipinadala ay ang mga Trained Rescue Personel, Manpower at Technical Support. Dala-dala rin ng team sa pagpunta sa Pampanga ang mga Specialozed Rescue Equipments tulad ng cutting tools, portable generators at set-rescue cameras.
Dagdag pa ng alkalde, maganda ang naging resulta ng pagpapadala ng tauhan sa lungsod ng Angeles dahil sa mabilis na pagresponde sa insidente dulot na rin ng kumpletong kagamitan. Aniya, noong nangyari ang pagguho, nagkaroon ng kakulangan ang Pampanga sa equipments dahilan upang maging mabagal ang rescue operations.
Ayon din sa ulat, naging mabilis din ang galaw ng Baguio Team sa operasyon at ibinahagi ng alkalde na kalahating araw pa lang ay natapos na ng tropa ang kanilang task dahilan upang magrequest Pampanga Rescue team ng karagdagang isang linggong pagtulong mula sa grupo.
Sa ngayon, ayon sa Emergency Responders sa nasabing lungsod, nagtala ng 30 na nasawing indibidwal kabilang na ang isang Malaysian national at isang sanggol. Concluded naman na ang nasabing operation matapos ang 18 days na search and rescue at nasa 95% na ang cleared na mga debris sa lugar ng pangyayari. Via Darwin Roxas, TSU BACOMM Intern.
No Comments Yet...