BAGUIO CITY | Pinapalakas ng Department of Education (DepEd) Schools Division Office-Baguio ang mga hakbang sa seguridad sa mga pampublikong paaralan sa pamamagitan ng mas mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at iba pang katuwang na ahensya.
Ayon kina Clifstone Bangse II, Project Development Officer ng DepEd-DRRM, at Sydney Shan Carino, Education Program Supervisor ng DepEd, kabilang sa mga hakbang ang pagsasagawa ng active attacker drills, random bag inspections, at pagbuo ng contingency plans upang maging handa ang mga paaralan sa iba't ibang uri ng banta.
Sinabi rin ng DepEd na hinihikayat ang mga paaralan na maglaan ng pondo o makipag tulungan sa iba't ibang organisasyon para sa pagbili ng handheld metal detectors bilang karagdagang security.
Aminado rin ang DepEd na kulang pa ang bilang ng mga security personnel sa ilang paaralan, malaking tulong umano ang suporta ng PNP at PTA sa pagbabantay at pagpapatupad ng mga programang pang seguridad.
Bukod dito, ipinaliwanag din ng DepEd ang 4H Framework na binubuo ng HAYO, HINAY, HINGA, at HINTO, na nagsisilbing gabay sa pagpapatuloy ng pag-aaral kapag may class suspensions dulot ng kalamidad at iba pang emergency.
Ayon sa kagawaran, layunin ng mga pulis na mapanatili ang learning continuity habang isinasaalang-alang ang kaligtasan at kapakanan ng mga mag-aaral.
Patuloy na nakikipag tulungan ang DepEd sa mga lokal na ahensya at iba pang partner upang mapanatiling ligtas ang kapaligiran ng mga paaralan at matiyak ang kahandaan sa anumang sakuna o emergency. Via Jody Lardizabal and Marielle Martin, TAU DEVCOM Interns.
No Comments Yet...