MAYOR MAGALONG, NAIS MARINIG ANG MABILIS NA AKSYON AT PANININDIGAN SA DARATING NA SONA SA SUSUNOD NA BUWAN
Hinihikayat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong si Pangulong Bongbong Marcos Jr. na maghatid ng malinaw at mabilis na aksyon sa mga isyu ng bansa, partikular ang maanomalyang flood control project, sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address SONA sa susunod na buwan.
Ipinahayag ni Mayor Benjamin Magalong ang kanyang pagnanais na marinig ang isang mapagpasyang hakbang mula sa Pangulo tungkol sa kanyang pahayag noong nakaraang taon sa mga alalahanin sa pagbaha sa bansa. Partikular siyang umaasa na paninindigan ng Pangulo ang kanyang deklarasyon na "sana mahiya kayo" na sinabi ng Pangulo noong SONA noong nakaraang taon.
Bukod pa rito, inaasahan ng alkalde na makita ang mas maraming indibidwal na managot at may pinaigting na pag iimbestiga at pinalakas na konsepto ng responsibilidad. Binigyang-diin ni Mayor Benjamin Magalong na, ayon umano sa kanyang pagsusuri, humigit-kumulang 90% ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects sa ilalim ng Department of Public Works and Highways DPWH ay hindi nahaharap sa kanilang kaparusahan. Ang sitwasyong ito, naniniwala siya, nangangailangan ng isang mas magandang plano upang tiyak na managutan at matugunan ang sistematikong isyu sa loob ng mga mahahalagang proyekto ng Department of Public Works and Highways. via John Darcy Asistin, TSU Bacom Intern
No Comments Yet...