NDRRMC-CAR PINALAKAS ANG DISASTER PREPAREDNESS AT CLIMATE RESILIENCE SA CORDILLERA
BAGUIO CITY | | Pinalalakas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council-Cordillera Administrative Region (NDRRMC-CAR) ang panawagan sa publiko na maging handa sa mga kalamidad at epekto ng climate change sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga programa at paghahanda ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ginanap na Kapihan Press Conference.
Binigyang-diin ni Civil Defense-CAR Director Albert A. Mogol ang kahalagahan ng maagang paghahanda, pagbawas ng panganib, at mabilis na pagpapakalat ng tamang impormasyon upang mapalakas ang kahandaan ng bawat komunidad sa panahon ng sakuna. Samantala, ayon kay DOST-PAGASA Meteorologist Engr. Hilario Ezperanza, inaasahang makararanas ang Cordillera ng maulap na panahon at localized thunderstorms, lalo na tuwing hapon, dahil sa epekto ng southwest monsoon at iba pang weather systems. Posible rin umanong magpatuloy ang El Niño sa mga susunod na buwan na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig, enerhiya, at agrikultura sa rehiyon.
Ibinahagi rin ng mga kinatawan mula sa DOST-CAR, DILG-CAR, DSWD-CAR, DICT-CAR, at DEPDev-CAR ang kani-kanilang hakbang upang mapalakas ang disaster preparedness sa rehiyon, kabilang ang paggamit ng makabagong teknolohiya, pagsasanay sa mga lokal na pamahalaan, paghahanda sa relief operations, at pagpapalawak ng communication systems. Layunin ng Kapihan Press Conference na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan at media upang mapalawak ang kaalaman ng publiko at mapanatiling ligtas at handa ang mga komunidad sa Cordillera. via Jody Grace Q. Lardizabal and Marielle Joyce L. Martin, TAU DevCom Interns
No Comments Yet...