SMART MOBILITY SYSTEM, NAKIKITANG SOLUSYON NG PAMAHALAANG LUNGSOD NG BAGUIO SA PATULOY NA PAGBIGAT NG TRAPIKO
BAGUIO CITY — Pinoproblema ngayon ang mabigat na daloy ng trapiko sa lungsod ng Baguio dahil sa muling pagbubukas ng klase at pagdami ng mga estudyanteng bumibiyahe araw-araw sa mga kalsada ng lungsod.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, hindi road widening ang solusyon na nakikita upang maibsan ang lumalalang trapiko bagkus, isinusulong ngayon ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng Smart Mobility System upang mapabuti at mapaayos ang pamamahala sa daloy ng mga sasakyan at transportasyon sa lungsod.
Ang Smart Mobility System ay isang transport solution na pinapangunahan ng Metro Public Tollways Corporation kasama ang Baguio LGU. Kabilang sa features ng system ay ang centralized transportation, paggamit ng AI sa mga softwares para makita ang daloy ng trapiko at parking availability at iba pa.
Sa panayam kay Mayor Benjamin Magalong, nagkakaroon na ng pagpupulong ang pamahalaang lungsod kasama ang MPTC kaugnay ng nasabing proyekto .Sa ngayon, hinihintay na lamang ang pag-apruba ang City Council upang maipatupad ang programa.via Genelle Dines Nogoy; TSU Bacom Intern.
No Comments Yet...